PRESYO NG BIGAS, TUMAAS!
- Noong nakaraang buwan, tumaas nang P2 hanggang P4 bawat kilo ang presyo ng bigas. Mula P30/kilo, nasa P32-34/kilo na ngayon ang presyo ng pinakamurang bigas sa bansa. Sa Mindanao, tumaas nang abereyds na P9/kilo ang presyo ng bigas, mula P27 tungong P36.
- Ang kakulangan ng suplay ng bigas ay dahil sa mababang produksyon ng palay nitong nakaraang mga taon. Ayon sa datos ng Department of Agriculture, bumaba nang 2% ang produksyon ng palay nitong Abril-Hunyo 2013 kumpara noong pangalawang kwarto ng 2012. Mula 3.9 milyong metriko tonelada (mt), bumagsak ito sa 3.83 milyong mt. Kulang na kulang ang kasalukuyang lokal na produksyon ng palay para abutin ang target na 20 milyong mt para magkaroon ng sapat na suplay ang 100 milyong populasyon ng Pilipinas.
- Sinisisi ng gubyerno ang mga bagyo at ibang kalamidad sa pagbaba ng produksyon. Ngunit ang totoong dahilan ay ang patuloy na pagpapalit-gamit ng lupa para sa eko-turismo, real estate at iba pa at kakulangan ng sapat na suporta ng gubyerno sa pangangailangan ng mga magtatanim ng palay. Pinakatampok dito ang kawalan ng lupa ng mga magsasaka at ang kawalan ng totoong reporma sa lupa na makapagbibigay sa mga magsasaka ng sariling lupa na matatamnan.
- Isa ring dahilan sa mababang produksyon ang kawalan ng sapat na sistema ng irigasyon. Kung mayroon man, ito’y pinababayaran nang mataas sa mga magsasaka. Patuloy na tumataas ang gastos sa mga pangangailangan sa produksyon ng palay gaya ng binhi, abono, pestisidyo at iba pa at dahil dito’y lubog sa utang ang mga magsasaka.
Rice hoarding raw ang sinasabi dahilan ng pagtaas ng presyo ng pangunahing pagkain tulad ng bigas.
Hoarding-the buying of large quantities of good to keep in case of need
"...as a result of hoarding, rice has become scarce with prices shooting up".
- Ayon sa mga nagtitinda ng bigas, nahihirapan sila magbenta ng bigas dahilan sa pagtaas ng presyo. Ang mga mamimili ay naghahanap ng mas mababa ang presyo at mas masarap.