Friday, October 10, 2014

Pagtaas ng Presyo ng Bawang

Pag taas ng presyo ng Bawang labis na nakakaapekto sa Ekonomiya ng Bansa



Inaalam na ng Department of Agriculture (DA) ang dahilan ng biglang pagtaas ng presyo ng bawang sa merkado.


  • Sinasabi na Price manipulation ang dahilan kung bakit tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng bawang.

  • Ngunit ayon kay Agriculture Agribusiness and Marketing Assistance Director Leandreo Gazmin, posibleng ang malamig na panahon mula noong Disyembre hanggang Pebrero ang dahilan ng pagmahal ng bawang o di kaya ay dahil sa suplay nito.

  • Ayon sa isang mamamayan na bumibili rin ng bawang, Sabi niya na grabe ang epekto ng pagtaas ng presyo ng bawang sapagkat ang bawang ay kailangan sa ating mga pagkain.

  • Nabataid na ang presyo ng bawang ay sumipa na sa 280 pesos kada kilo na kasing mahal na rin ng mga imported na bawang na nasa p290 hanggang p350 ang kilo.

  • Masasabi ko sa panahon ngayon, kailangan ng gumawa ng paraan ang gobyerno upang bumalik sa dating presyo ang bawang. Dapat rin walang sabwatan sa mga cartel ng bawang upang hindi na tumataas ang presyo.




No comments:

Post a Comment